2.01.2009

Forgot. :))

Obviously, parang gusto ko atang mag-emote ngayon. English iyong title pero halos Tagalog iyong post ko. Inspired kasi ako sa nabasa ko kanina kung bakit nagiging masama ang mundo minsan. Tapos sa situation ko ngayon sa school, ilang beses ko nang inisip iyong thought na iyon. Actually, noong last year pa.

Lagi kong nakikita sa school iyong mga “popular” girls. Haayy…lagi silang masaya, lagi silang pinupuri ng mga teachers, lagi sila iyong hot topic of discussion. Alam nila kung sino iyong magkavibes at magkaaway sa classroom, sila iyong center of attention ng mga guys (seryoso?), lagi silang sinasabihan na maganda at hot sila, mahal na mahal sila ng buong batch. Everything I’m not. Ako naman, I might be the school’s nightmare: nerdy reputation and has a horrible past back in Grade School. I have my constant set of friends and acquaintances. However, iyong mga popular na iyan? Millions of friends in the other batches. Payakap-yakap pa at nagpapaka-FC. It hurts to see those people everyday.

Hindi lang iyon. Once you are part of the “it” girls, lagi kang may gimmick tuwing Friday. Okay lang sa kanila kahit magdala ng camera tapos magpaka-vain tapos mag-upload ng 100+ pics sa FS at Multiply kahit sa McDo lang kinuhanan. Sa Bandfest, padalahan pa ng kanilang boyfriend tapos pagyayabang nila. Nakakainis iyong mga ganyan. And here is the worst part: iyong mga good girls sa GS, sumasama ugali simula sumama sila sa mga “cool” girls na iyan. Nagiging plastik, binubully iyong mga honor student, nagpapakopya ng assignment, lumalandi. Bakit iyon ang title ng post ko? Whenever I see those people, two thoughts come into my mind: be popular and be bitchy.

Aaminin ko na there are times na gusto kong maging bad. Ito kasi iyong mga pros of getting your popularity/evil transformation (based on my observation):

1. Everyone will LOVE you.
2. Updated ka sa lahat ng tsismis.
3. Okay lang sa mga kaklase mo kahit kumopya ka ng assignment, project, etc.
4. Pagpasok mo sa classroom, everyone will say hello to you and tell the latest story about their boylets and everything interesting.
5. Everyone will think you’re hot and pretty. In other words, heartthrob ka.
6. Everyone PRAISES you.
7. Lagi kang may gimmick every Friday o Saturday.
8. You have SCHOOL POWER.

Wishlist ko ito sa high school. Except for the copying, of course. Kung iyong transformation na iyan nangyari sa akin, magiging masaya ako. However, iniisip ko rin iyong disadvantages. Ito iyong listahan ko:

1. Magiging feeler ka: feeling maganda, feeling sikat, feeling loved.
2. Akala mo gusto ka ng buong klase pero sa totoo lang pinaguusapan na nila iyong kasamaan mo behind your back.
3. Once you do something stupid, everyone will talk about it.
4. Everyone will wish you haven’t changed from angelic to devillish.

I know all the popular people will hate me after I post this. But point ko ito. Bakit ba gustong-gusto natin maging popular para mahalin tayo o para i-prove na good enough tayo? Everytime there are people who would enviously glare at me, iniisip ko ginaganoon ko iyong iba once I turn bad in my mirror universe. If some people underestimate me, then how I wish they could overestimate me. They’re gonna praise all that I am. Sobrang hurt talaga ako whenever I see those popular/bad girls. Walking merrily in the corridor, doing some dirty work. And everyone seems to enjoy it. But sometimes, pictures can lie. Akala mo sobrang saya sila but in reality you don’t know what’s going on. Ganoon din when you become bad. Hindi mo mapapansin na may nasasaktan ka na. That’s why minsan ayoko maging ganoon. Tatanungin ko kay mom at sa mga friends paano kung naging masama ako. The answer? NO.

Seeing those girls make me sick. Some aren’t being themselves. Some are just trying to impress others but they can’t.